KASAYSAYAN
Ang AKLAN kasama ang tinaguriang Capiz sa kasalukuyan, ay tinawag na “Minuro it Aklan” ng mga lumikas mula Borneo noong 1213. Dahil dito, ang Aklan ay itinuturing na pinakamatandang probinsya sa bansa. Ito ay isa sa tatlong sakop na bumubuo sa isla ng Panay. And dalawa pa ay ang Hamtic ,na ngayon ay Antique at Irong-Irong na ngayon naman ay Ilo-Ilo . Ang pangalan ng unang pinuno ng Aklan ay si Datu Bangkaya. Patungo sa katapusan ng ikalabing-apat na siglo, inilipat ni Datu Dinagandan ang kabisera mula sa Batan ng pangkasalukuyan. Ito ay naganap matapos itong sakupin ng mga manlalakbay na tsino sa pamumuno ni Kalantiaw, na naging daan upang makuha niya ang trono. Noong 1433, ang apo at tagapagmana ni Kalantiaw na si Kalantiaw III ay gumawa ng mga batas na tinatawag sa kasalukuyan na Code of Kalantiaw. Isang mananaysay na nagngangalang William Henry Scott ang nagsasabi na peke raw ang mga batas na ito. Noong 1437, and maigsing pangunguno ng angkan ni Kalantiaw ay natapos noong napuksa si Kalantiaw III sa isang duwelo kalaban si Datu Manduyog, and lehitimong tagapagmana ni Datu Dinagandan. Noong namuno na si Manduyog, inilipat nya ang kabisera sa Bakan (na ngayon ay tinatawag na Banga). Mga ilan ding datu ang sumunod kay Manduyog hanggang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Batan noong 1565. Ang namumuno noong panahong iyon ay si Datu Kabanyag at ang kanyang kabisera ay Libacao. Mula noong pinamunuan ng Espanya ang Pilipinas hanggang naitaguyod ang Pilipino bilang pambansang wika, ang Aklan ay ibinaybay na “Acean”, at ang pangunahing bayan nitong Kalibo ay ibinaybay namang “Calivo”. Naging hiwalay na probinsiya ang Aklan mula sa Capiz ayon sa Republic Act 1414 na nilagdaan ni Presidente Magsaysay noong 25 Abril 1956. Opisyal na nakilala ang Aklan noong 8 Nobyembre 1956.
nice to know all of this. really informative. good job.
ReplyDeletemalapit kami sa aklan ! nakapinta na ako dyan , ang ganda kaya dyan !
ReplyDeleteIt's good to know that your blog has a historical background of a certain place, it makes your blog knowledgeable :)
ReplyDeletey do we tour in the world were boracay found in aklan????? ryt???
ReplyDeleteThanks for some information about Aklan
ReplyDelete