Ang tunay na kagandahan ng Aklan
Mayad na Pag abot! Musyon eon sa Aklan!
Thursday, February 28, 2013
Thursday, January 24, 2013
ANG KASAYSAYAN NG AKLAN
KASAYSAYAN
Ang AKLAN kasama ang tinaguriang Capiz sa kasalukuyan, ay tinawag na “Minuro it Aklan” ng mga lumikas mula Borneo noong 1213. Dahil dito, ang Aklan ay itinuturing na pinakamatandang probinsya sa bansa. Ito ay isa sa tatlong sakop na bumubuo sa isla ng Panay. And dalawa pa ay ang Hamtic ,na ngayon ay Antique at Irong-Irong na ngayon naman ay Ilo-Ilo . Ang pangalan ng unang pinuno ng Aklan ay si Datu Bangkaya. Patungo sa katapusan ng ikalabing-apat na siglo, inilipat ni Datu Dinagandan ang kabisera mula sa Batan ng pangkasalukuyan. Ito ay naganap matapos itong sakupin ng mga manlalakbay na tsino sa pamumuno ni Kalantiaw, na naging daan upang makuha niya ang trono. Noong 1433, ang apo at tagapagmana ni Kalantiaw na si Kalantiaw III ay gumawa ng mga batas na tinatawag sa kasalukuyan na Code of Kalantiaw. Isang mananaysay na nagngangalang William Henry Scott ang nagsasabi na peke raw ang mga batas na ito. Noong 1437, and maigsing pangunguno ng angkan ni Kalantiaw ay natapos noong napuksa si Kalantiaw III sa isang duwelo kalaban si Datu Manduyog, and lehitimong tagapagmana ni Datu Dinagandan. Noong namuno na si Manduyog, inilipat nya ang kabisera sa Bakan (na ngayon ay tinatawag na Banga). Mga ilan ding datu ang sumunod kay Manduyog hanggang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Batan noong 1565. Ang namumuno noong panahong iyon ay si Datu Kabanyag at ang kanyang kabisera ay Libacao. Mula noong pinamunuan ng Espanya ang Pilipinas hanggang naitaguyod ang Pilipino bilang pambansang wika, ang Aklan ay ibinaybay na “Acean”, at ang pangunahing bayan nitong Kalibo ay ibinaybay namang “Calivo”. Naging hiwalay na probinsiya ang Aklan mula sa Capiz ayon sa Republic Act 1414 na nilagdaan ni Presidente Magsaysay noong 25 Abril 1956. Opisyal na nakilala ang Aklan noong 8 Nobyembre 1956.
ALAM MO BA ?
- Ang Aklan ay isa parin sa iilang lalawigan/probinsiya sa bansa na napapanatili ang kabuuan na 709 hektarya ng mga dalisay na kagubatan.
- Sa lahat ng munisipaldiad ng Aklan, ang kabiserang bayan ng Kalibo ang may pinakamalaking populasyon na 62,138. Sinundan naman ito ng Ibajay na may populasyong 39,643, at ng New Washington na may 33,781 taong naninirahan. Ang pinaka maliit na munisipalidad ng Aklan (Lezo) naman ang may pinakakaunti/maliit na populasyon na 12,393.
- Ang kapatagan ng Aklan ay bumubuo ng isang lugar na may sukat na 100 kilometro kwadrado at may hugis ng isang diyamante, kabilang ang sentrong bayan ng Malinao at Banga at sa kanlurang baybaying bayan ng New Washington, Kalibo at Makato.
Ang AKLAN
PAGPUNTA
Ang Aklan ay
isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan
sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kalibo ang kabisera
nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Panay ang
lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa mga lalawigan ng Antique sa
kanluran at Capiz sa timog-silangan. Matatagpuan sa hilaga nito
ang Dagat Sibuyanat ang lalawigan ng Romblon.Mararating ang Bora sa
pagsakay ng ferry mula sa Caticlan. Mayroong 28 flight ang SEAir kada araw na
umaabot lamang ng 35 minuto mula sa Maynila hanggang sa Caticlan Airport.
Ang
isa pang daan ay mula sa Kalibo Airport. Mula rito ang mga bisita ay maaring
sumakay sa mga mini-vans, bus o rented cars at bumiyahe ng 2 oras hanggang
Caticlan.
Asian
Spirit, Interisland Airlines, Corporate Air, Philippine Airlines at Cebu
Pacific ang iba pang airlines na bumibiyahe papunta sa isla.Pupukaw sa inyong
damdamin at isipan.
Pero
huwag lamang kayong maniwala, dahil kailangan ninyong MARANASAN ang Boracay. At
doon n’yo lang masasabi at maiintindihan kung ano ang binabalik-balikan ng mga
nakarating na sa paraisong tunay.
Museo it Akean
Museo it Akean
Ang Museo it Akean ay
matatagpuan sa S. Martelino St., Kalibo, Aklan, Ang Aklan ay napakayaman sa
kultura at historikal na nangyari ng nakaraan.
Sa pagiging pinakamatandang probinsya sa ating bansa, marami itong
pinagmamalaking mga kahanga-hangang atraksyon at makukulay na tradisyon. Ito rin ay nagpapakita ng mga tela ng
piƱa, garapon, palayok, makarelihiyong
alaala, kasangkapan, sining, instrumento, at simpleng bagay o kagamitan na gawa
ng tao o modipikasyon.
Tigwatian Island
Tigwatian Island
Tigwatian Island kilala rin bilang crystal cove
island.Kilala ito dahil sa angking ganda ng isla na mayroong malinis na
baybaying dagat at putting buhangin na mayroong hindi pa nasasaling malinaw na
tubig na nasa gitna ng mainland.Ang malay at boracay.Isa itong mapayapang lugar
na mayroong kanaisnais na aura. at maluwalhating banal na nangananahan sa mga
inaasahang fauna at flora .Kamakailan lang nadiskubre ito na pinakamabuting
alternatibong paraan ng pagtanggal sa stress.Ang pagbabakasyon sa boracay ay
hindi kumpleto kapag hindi mo naranasang pumunta sa Crystal Cove
Paano nakuha ng crystal cove island ang pangalang
Tigwatian island?Simple lang nakuha ito sa isang di mailarawang ibon na
gumagawa ng ingay na “Tigwatian..Tigwatian”na matatagpuan lamang sa Crystal
Cove Island.Noon ang mga tao lalo na ang mga mangingisda na galing sa karatig
bayan ay naririnig ang ganitong ingay nagpatuloy ito at may mga staff ng Tigwatian
Island ang nagsasabing naririnig ni la ito hangang ngayon .Isang gabi mayroong
mangingisda ang lumabas upang mangisda ,habang sya ay nakasakay sa Bangka may
narinig siyang isang tunog—“Tigwatian Tigwatian Tigwatian…” hinanap nya kung
saan nanggaling ang tunog ngunit siya ay nabigo at nagdesisyong umuwi na
lamang.Habang sya ay naglalakbay pauwi nagkarooon siya ng kakaibang pakiramdam
kaya naman siya ay lumingon at doon niya nasasaksihan ang mga kakaibang ibong
lumilipad habang kumakanta.Pinaniniwalaan nilang kumakanta nag mga ibon para sa
kanilang hari.
Subscribe to:
Posts (Atom)